--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay o DOLE Region 2 na fully implemented na ang pagtaas ng sahod ng mga mangagawa sa rehiyon simula noong unang araw ng enero, 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Chester Trinidad, tagapagsalita ng DOLE region 2 natuwa sila sa isinagawa nilang inspection sa mga bahay kalakal dahil compliant ang mga ito sa pagpapatupad ng 420 pesos per day minimum wage accross the board sa non-agriculture habang 400 pesos sa agriculture sector.

Sinabi ni Ginoong Trinidad na noong nakaraang taon ay may mahigit 3,600 na mga bahay kalakal sa Region 2 ang kanilang isinailalim sa inspection at umaasa silang mahihigitan pa ito ngayong 2023.

Sinusuri nila kung napagkakalooban ng tamang suweldo  at benefits ang mga manggagawa at sinusuri din ang kanilang kaligtasan o occupational safety sa kanilang pinagta-trabahuan.

--Ads--

Taun-taun anya ang kanilang isinasagawang inspection sa mga bahay kalakal upang matiyak na pinapasahod ng tama ang mga manggagawa at tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Patuloy ang kanilang isinasagawang Labor and employment education services sa mga employers at employees upang maipabatid ang kanilang tungkulin sa isa’t isa.

Hinikayat din nila ang mga manggagawa na hindi nabibigyan ng tamang pasahod at benepisyo na makipag-ugnayan sa DOLE upang sila ay matulungan.