--Ads--

Naghahanda na ang Tactical Operations Group 2 (TOG 2) Philippine Air Force na gamitin ang lahat ng kanilang air assets sakaling kailanganin para sa mga operasyon sa Northern Luzon, partikular sa Lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col. Aristides Galang Jr., ang bagong Group Commander ng TOG 2, sinabi niyang may mga isinasagawa nang paghahanda ang kanilang hanay para sa posibleng rescue missions.

Ayon kay Col. Galang, bago pa man tumama ang bagyo, nakapagsagawa na sila ng pre-disaster planning upang matukoy ang mga dapat na aksyon sakaling kailanganin ang kanilang tulong.

Mayroon na rin silang backup plans sakaling humingi ng suporta ang mga lokal na pamahalaan kung magkaroon ng mga pinsalang dulot ng Bagyong Crising.

--Ads--

Dagdag pa niya, handa rin ang kanilang iba pang kagamitan tulad ng rubber boats at iba pang rescue equipment. Bukod dito, may naka-standby rin silang karagdagang air assets sa Clark International Airport bilang bahagi ng kanilang contingency operations.