--Ads--

Mainit ang naging pagtanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Ilagan kay Taiwan Economic and Cultural Office Ambassador Wallace Minn Gan Chow.

Sa kaniyang talumpati ibinida ni Ambassador Chow ang magandang relasyon ng Pilipinas at Taiwan.

Nagpasalamat din siya dahil sa mainit na patanggap sa kanila ng mga tao sa Lungsod ng Ilagan dahil sa napakaraming taong sumalubong sa kanila kasama na ang mga City Officials ng lungsod ng Ilagan.

Aniya, isa ang Pilipinas sa mga pinakamalapit na bansa sa Taiwan hindi lamang sa ito ay kapitbahay ng isla ng Taiwan mula sa pinakadulong bahagi ng Batanes kundi dahil halos magkaparehong klima ang dalawang bansa.

--Ads--

Naniniwala siya na dahil dito ay maaring maituring ang Pilipinas at Taiwan bilang magkapatid na Bansa.

Matatandaan na noong nakaranas ng malawakang pagbaha ang Isabela at Cagayan ay isa ang Taiwan sa mga bansa na nagbigay ng tulong sa Lambak ng Cagayan.

Kasabay ng pagbisita niya sa Bansa ay nais ng Taiwan na makapag-introduce ng iba’t ibang mga programa at inovation para makatulong sa pagpapalago ng agrikultura sa Lalawigan sa tulong na rin ng kanilang Agricultural Expert.

Magsasagawa sila ng initial assesment sa iba’t ibang lugar sa Lalawigan.

Maliban sa usapin ng agrikultura ay nagdala rin ng mga professional dentist ang Taiwan Economic and Cultural Office para makapaghatid ng dental and medical service bilang bahagi ng kanilang People to People Connection.

Samantala, iniwasan naman nitong mapag-usapan ang issue kaugnay sa China dahil wala aniya sa balak niya ang bumisita sa Enhanced Defense Cooperation Agreement Sites at iba pang base militar sa bansa.