--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkukulang ngayon ang mga manggagawang nagtatrabaho sa Taiwan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Miro Villanueva Pascua sa Taiwan na masaya na silang mga pinoy workers matapos buksan ng Taiwan para sa mga manggagawa.

Ayon kay Pascua, maraming mga Filipino Workers ang naghihintay para magtungo sa Taiwan matapos hindi natuloy dahil sa pandemya.

Sinabi pa ni Pascua na sa kanilang pinagtatrabahuan ay ang gawain ng limang tao ay ginawang tatlong tao na lamang dahil sa nagkukulang na mga manggagawa.

--Ads--

Pangunahing trabaho ng mga Pilipino sa Taiwan ay mga factory workers.

Mas gusto  anya ng mga Taiwanese ang mga Filipino Worker dahil sa kilala nilang masipag at mapagkakatiwalaan kung saan kapansin pansin na ang mga Pinoy workers na ang bumubuhay sa production ng electronics.

Inaabot anya sa labing dalawang oras ang pagtatrabaho ng mga pinoy sa Taiwan ngunit mayroong overtime pay sa sobrang apat na oras.

Samantala, pinayuhan ni Ginoong Pascua ang mga nais magtrabaho sa Taiwan ay kumuha ng kursong alectronics kahit dalawang taon lamang dahil kahit walang experience ay matututo na sa Taiwan.

Tiyakin din anyang rehistrato sa POEA ang mga agency na kanilang pag-applyan upang hindi mapeke dahil walang katotohanan ang mga naglalabasan sa social media na nag-aalok ng trabaho sa Taiwan na Libre.