CAUAYAN CITY – Nasunog ang isang tubuhan sa Barangay Upi, Gamu, Isabela kagabi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Senior Fire Officer 2 Catherine Adarlo, Commander/Team Leader ng Bureau of Fire Protection Gamu na dakong alas-6 ng kagabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nasusunog ang isang tubuhan sa naturang barangay.
Aniya, malawak ang nasunog na tubuhan kaya humingi sila ng tulong sa Provincial Office at sa Ilagan Fire Station gayundin sa mga kasundaluhan.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 Adarlo, pwede ng anihin ang mga nasunog na tubo.
Nagpapasalamat nalang sila dahil walang nasaktan sa sunog.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa nila kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Paalala naman nila sa mga mamamayan na iwasan ang pagsusunog dahil marami ang naapektuhan kapag hindi naagapan agad.











