--Ads--

CAUAYAN CITY – Kaagad isinugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawa katao matapos bumaliktd ang sinakyan nilang tanker sa kahabaan ng barangay Rizaluna Alicia, Isabela.

Ang mga sugatan ay sina Rogelio Mohado, 44 anyos, residente ng Navotas City at Roberto Salud, 37 anyos at residente ng San Juan, Batangas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Alicia Police Station, naglalaman ng liquid alcohol ang tanker at galing sa kalakhang Maynila na patungo sana sa lalawigan ng Cagayan.

Posible umanong nakatulog ang driver na si Mohado kaya nawalan ng kontrol sa manibela na naging dahilan ng kanilang pagkakasugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Mabilis naman na tumugon ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) Alicia, BFP Cauayan, Rescue 531 at Alicia Police Station.

Mapalad na walang ibang nadamay sa pagbaliktad ng fuel tanker maliban lamang sa dalawang sakay nito na nilalapatan na ng lunas sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.