--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 77% ng target ng PSA Isabela ang tuluyan nang nakapagparehistro sa Philsys.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na sa kanilang target na mahigit 1,530,000 ay nasa 1,197,338 na ang nakapagparehistro o 77% ng mga expected registrants.

May natitira pa namang mahigit 300,000 na inaasahan ng PSA Isabela na makakapagparehistro.

Patuloy namang hinihikayat ng PSA Isabela ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa Philippine National ID na magparehistro na dahil nagtutungo na ang kanilang mga kawani sa mga barangay para mapabilis ang pagpapatala.

--Ads--

Maliban dito ay mayroon din silang registration on wheels at bukas din ang lahat ng registration sites sa mga bayan ng Cordon, Echague, San Mateo, Ramon Aurora, Mallig, San Manuel, Quezon,Tumauini, Delfin Albano, Cabagan, San Pablo at Naguilian maging sa mga Lunsod ng Ilagan, Cauayan, Santiago at sa mga coastal towns.

Samantala umabot na sa 232,000 national IDs ang naibigay ng PSA Isabela.

Dahil sa matagal na proseso ng printing sa mga physical IDs ay tutulong na ang PSA pangunahin na ang mga registration centers sa Central Bank upang mas maimplement ng maayos ang printing at masunod ang utos ng administrasyong Marcos na pagrerelease ng aabot sa 50 milyong physical ID hanggang Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Provincial Director Emperador mula buwan ng Setyembre ay mai-imprenta na ng mga registration centers ang mga digital IDs.

Aniya, ang digital IDs ay inimprenta lamang sa bond papers at pansamantala lamang ito habang ang Physical ID ay ang mismong inimprenta na ng Central Bank.

Magagamit pa rin naman sa mga transaksyon o maituturing na valid ang nasabing ID.

Tiniyak naman niyang darating pa rin ang Physical ID bagamat matagal ang proseso nito.

Aniya hindi basta basta ang printing ng Digital ID dahil mayroong ilalagay na QR Code na kung maiscan ay makikita ang PSN ng may-ari sa kanilang database.

Tinig ni Provincial Director Julius Emperador.