--Ads--

CAUAYAN CITY -Ipinagmamalaki ng Isabela na isang magandang dalaga mula sa Cabatuan, Isabela ang mapalad na napiling kalahok sa Mutya ng Pilipinas 2017.

Ang 20 anyos na beauty queen mula sa Diamantina Cabatuan, Isabela na si Hannah Khayle Ildefonso Iglesia ang Isabilenio na sasali sa nasabing patimpalak pagandahan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Ms. Hannah khayle iglesia, sinabi niya na wala pa siyang karanasan sa mga malalaking patimpalak pagandahan ngunit sumali na siya noon sa kanilang eskwelahan at naging miss UP Manila 2014, miss SCUAA NCR 2015 at 1st runner up ng miss Makati 2014.

Nagpapalakas ngayon sa kanyang pagsabak sa mutya ng pilipinas ay ang kanyang mga kaibigan at pamilya na sumusuporta kasama na rin ang pamahalaang panlalawigan ng isabela.

--Ads--

Sa tatlumpung kandidata sa mutya ng pilipinas 2017 na mula pa sa ibat ibang mga lugar, naniniwala siya na mapapansin ang ganda ng mga taga Isabela.

Gaya ng ibang mga kandidata, isa rin ang question and answer portion sa kanyang pinaghahandaan ngunit naniniwala siya na kapag napaghnadaan at magakroon ng tiwala sa sarili ay makakaya niyang sumagot nang maayos.

Ayon naman sa kanyang ina na si Ginang Gloria Iglesia, ang hilig niya talaga noon ay modeling kaya nagpursigidong makatapos ng pag-aaral para makatapos.

Si Miss Iglesia ay graduate ng Bachelor of Science in Information technology sa Technological Univesrsity of the Philippines.

Ang mutya ng pilipinas 2017 coronation night ay isasagawa sa August 4, 2017.