--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong mapapalad na letter sender ang napili sa Kahapon Lamang “Dear Tatay a Father’s Day Special ’’.

Emosyonal na ibinahagi ni Ginang Bernadette Garo panganay na anak ni Ginoong Florent Ngayan ang naging sakripisyo ng kaniyang Ama.

Aniya sa loob ng tatlumpu’t limang taon ay nagtatrabaho si Ginoong Florent bilang tagabuhat ng mais at sa kabila ng hirap ng buhay ay nagawa niya silang maitaguyod at nakapagtapos pa ng pag-aaral.

Sa kabila ng edad ay talagang masigasig sa pagtratrabaho ang kaniyang tatay kahit na pinahihinto na nila itong magtrabaho.

--Ads--

Napakalaki aniya ng kanilang utang na loob sa kanilang mga magulang na iginapang ang kanilang pag-aaral na tanging maipapamana nila sa kanila.

Ibahagi naman ni Ginang Cecilia Evangelista ang anak ni Hernane Vidad isang driver ang kaniyang kwento noong kaniyang kabataan na lumaki sa kaniyang tiyahin dahil sa abala sa trabaho ang kaniyang tunay na mga magulang.

Aniya sa kabila ng panghuhusga bilang siya ay isang hiram na anak ay ibinuhos sa kaniya ng kaniyang Daddy ang pagmamahal bilang isang tunay na anak.

Ang kaniyang Daddy ang nagbigay ng pag aaruga at pagmamahal sa kaniya bilang isang tunay na anak at labis aniya ang sakripisyo nito sa pagtatrabaho para maitaguyod at makapagbigay ng kanyang pangangailangan.

Samantala, kabilang din sa tumanggap ng token mula sa Bombo Radyo Cauayan si Ginoong Reden Alicom, Anak ni Vergilio Alicom.

Ibinahagi ni Ginoong Vergilio Alicom na pagsasaka at pamamasukan sa construction ang kaniyang pinagkakakitaan.

Ito rin ang hanapbuhay na siyang nagtaguyod sa kaniyang pamilya.

Labis siyang nagagalak dahil isa ang kaniyang kwento sa napili at naitampok ng Bombo Radyo Cauayan sa palatuntunan na Kahapon Lamang.

Ayon kay Renden sa kabila ng kahirapan ng buhay ay sinikap niyang makapagtapos sa pag-aaral para masuklian ang pagmamahal at sakripisyo ng kaniyang tatay na suma-side line bilang construction worker para sa kaniyang pambaon.

Kabilin-bilinan ni Ginoong Vergilio sa anak na huwag munang mag aasawa para magkaroon ng pagkakataon na maabot ang sarili niyang pangarap sa buhay at para matulungan ding makapagtapos sa pag-aaral ang iba pa niyang mga kapatid.