--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang tatlong indibiduwal na sakay ng motorsiklo matapos na madaganan ng dump truck na may kargang soya sa Barangay Bangot Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Frederick Ferrer ang hepe ng Bambang Police station sinabi niya na madaling araw kahapon ng maganap ang aksidente na kinasasangkutan ng isang dump truck na may kargang soya.

Aniya batay sa kanilang pakikipag ugnayan sa driver ng dump truck na si John Paul Pascual, Tatlumpu’t dalawang taong gulang na residente ng Lubao Pampanga na patungo siya sa bayan ng Echague Isabela para sana mag deliver ng soya.

Habang nasa palusong at palikong na bahagi siya ng kalsada ay nawalan ng hangin ang dump truck hanggang sa nawalan na siya ng kontrol sa manibela at tuluyang nawalan na ng preno.

--Ads--

Dahil may kabigatan ang kargang soya ay tumagilid ito at nadaganan ng truck ang isang motorsiklo na may lulan na tatlong katao.

Napagalaman na ang tatlong sakay ng motorsiklo na sina Russel Pascua, Suena Bation, at Fergielyn Blance ay pawang mga pribadong empleyado ng isang fast food chain sa Bambang.

Dead on the spot ang tatlong biktima na naipit ng dump truck dahil sa tinamong matinding injury sa kanilang katawan.

Isinailalim na ngayon sa inquest proceeding ang driver ng truck na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in homicide at damage to property.

Paalala niya na mahigpit ang ginagawa nilang operasyon para mapaalalahanan ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho para makaiwas sa aksidente o hindi inaasahang pangyayari.