--Ads--

CAUAYAN CITY – Pormal nang sinampahan ng reklamo ng labing dalawang tricycle driver mula sa Lunsod ang tatlong indibiduwal na itinuturing masa likod ng ayuda scam ng Tonik Digital Bank sa Lunsod ng Pasay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Provincial Director Christopher Mesa ng NBI Isabela sinabi niya na kasasampa pa lamang nila ng reklamong Syndicated Estafa laban sa tatlong indibiduwal na sangkot sa pambibiktima sa grupo ng tricycle drivers sa lunsod ng Ilagan.

Ayon sa mga biktima inalok sila ng ayuda na umano’y nagkakahalaga ng dalawampu’t limang libong piso subalit kailangan ng kopya ng kanilang lisensiya.

Dahil sa pangakong libreng processing sa kanilang matatanggap na ayuda ay pumayag ang nasa labing isang tricycle driver at ipinasa sila sa opisina ng Tonik Digital Banking sa Bugallon Proper Ramon, Isabela at binigyan sila ng bagong sim cards at ginawan ng email accounts.

--Ads--

Wala umanong kaalam-alam ang mga biktima na sa halip na libreng ayuda o tulong ay nakapag loan na  sila ng  dalawampu’t limang libong piso sa ilalim ng Tonik Digital Bank na nakahimpil sa Lunsod ng Pasay.

Sa halip na ibigay ng buo ay nasa isang libo hanggang higit dalawang libong piso lang ang nadisburse sa kanilang mga account.

Sa pamamagitan ng gcash accounts ay nakumpirma rin ng NBI Isabela na ang tatlong pinaghihinalaan ang nasa likod ng paggawa ng accounts at payslip upang mapalabas na ang mga biktima ay nakakatanggap ng pera.

Dahil dito ay pinadalhan ng Subpoena ang tatlong pinaghihinalaan na kusang humarap sa kanilang tanggapan kasama ang kanilang mga abogado.

Lumalabas sa kanilang imbestigasiyon na maliban sa grupo ng tricycle driver sa Lunsod ng Ilagan ay marami pang nabiktima ang grupo sa Lunsod ng Cauayan, bayan ng Cabatuan at Ramon.

Ang bahagi ng pahayag ni Provincial Director Christopher Mesa ng NBI Isabela.