CAUAYAN CITY- Nag negatibo mula sa African Swine Fever o ASF ang mga Bayan at Lunsod na isinailalim ng Provincial Veterenary Office sa suirveillance.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterenarian Dr. Belina Barbosa ng Provincial Veterenary Office sinabi niya na negatibo sa ASF ang mga kinuhang blood samples sa Lunsod ng Cauayan, Bayan ng Alicia at Cabatuan.
Sa kabila nito ay hindi parin maaaring magpakampante ang mga hog raisers dahil nadagdagan muli ang mga Barangay sa bayan ng Gamu at San Guillermo.
Sa kabuuan ay lima na ang Barangay na apektado ng ASF sa Gamu, Isabela.
Isa sa mga naging dahilan sa pagdami ng kaso ay dahil sa local transmission sa naturang Bayan.
Nanatili naman ang bilang ng mga apektadong Barangay sa Angadanan, San Guillermo, Echague at Cordon dahil sa implementasyon ng bio security.
Wala namang dapat ipangamba dahil nanatiling mataas ang supply ng Baboy sa Isabela kaya aasahang sapat ang tustos ng karne ngayong holiday season.
Sa ngayon ay pinapayagan parin ng Provincial Veterenary ang pagaangkat ng baboy sa mga ASF free Municipality.
Samantala, kasalukuyan na rin ang pagpapasa ng requirements para sa benepisyo ng mga ASF affected Hog raisers na kabilang sa mga na cull ang baboy mula sa DA central office.