CAUAYAN CITY– Tatlo sa limang pasahero ng isang elf truck ang malubhang nagtamo ng mga pasa sa katawan matapos madaganan ng mga sako-sakong kamoteng kahoy sa pagbaliktad ng sasakyan na galing sa barangay Cadsalan, San Mariano, Isabel.
Ang mga nagtamo ng matinding pasa sa katawan ay sina Jonalyn Cabaddu, 20 anyos; Imelda Cabaddu, 45 anyos kabilang ang 18 anyos na si Sander Bagaoisan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Jimson Subia, 45 anyos na galing ang truck sa Sitio Udiao at nang nasa paakyat na bahagi ng daan sa barangay Daragutan West, San Mariano ay hindi kumagat ang preno ng sasakyan kaya napaatras ang sasakyan hanggang sa bumaliktad ang truck.
Sumaklolo naman sa mga biktima ang anak ni Punong Barangay Yolanda Balimbin ng Daragutan West at ginamit ang sasakyan ng barangay upang madala sa pagamutan ang mga biktima.











