CAUAYAN CITY- Tatlong road construction sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang magpapatuloy ngayong araw matapos maantala sa nagdaang holiday season upang bigyang daan ang bugso ng mga sasakyan papasok at palabas ng Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Mathias Malenab, Officer-in-charge Regional Director ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 2, sinabi niya na simula ngayong araw ay one-lane passable na sa Bagabag Nueva Vizcaya habang 2 way passable pa rin sa Nagsabaran dahil sa pagpapatuloy ng road constructions.
Ang construction naman sa Bato Bridge ay magpapatuloy pa lamang mamayang alas sais ng gabi na magtatagal ng dalawang oras.
Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya upang hindi maiwasan ang labis na pagsikip sa daloy ng trapiko kagaya ng naranasan sa bayan ng Diadi noong December 2024.
Nakaantabay naman ang kanilang mga personnel at flagmen para mapanatili ang 30 minutes na interval pangunahin na sa bayan ng bagabag na mayroong stop and go traffic scheme.
Inaasahan namang matatapos sa buwan ng Marso ang road construction sa bayan ng Diadi habang matatagalan pa bago matapos ang iba pa.