Tatlong indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest ang naaresto ng mga kapulisan nitong buwan ng Enero bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLTCOL Ricson Guiab, Chief of Police ng Traffic Enforcement Unit, nitong Enero 21 ay naaresto ang isang indibidwal na may kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse sa bayan ng Alicia, Isabela. Nito lang ikalima ng enero ay nahuli ang isang akusado na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Their Children (VAWC).
Samantala, isang indibidwal na may kasong frustrated crime ang naaresto sa bayan ng Ramon, Isabela.
Sa kabuuan, tatlong indibidwal ang nadakip na may aktibong warrant of arrest nitong buwan ng Enero. Mayroon din umanong isang serbisyo ng warrant of arrest na isinagawa sa isang akusado na kasalukuyang nakapiit na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Patuloy ang operasyon ng kapulisan laban sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lungsod.
Home Police Report
Tatlong wanted person nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon
--Ads--










