CAUAYAN CITY – Nangangamba na ang pamilya ng taxi Driver na si Tomas Marleo Bagcal na sinasabing hinoldap umano ng labing siyam na taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz bago mapatay ng mga pulis Caloocan.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng nakababatang kapatid ni Bagcal na si Ginang Nancy Bagcal Sarmiento, residente ng Bagnus, Aurora, Isabela na huling nagbakasyon sa kanila ang kanyang kuya noong buwan ng Abril, 2017.
Taong 1993 pa lumipat sa Marikina City ang pamilya ni Tomas Marleo Bagcal at nagtrabaho bilang taxi driver.
Noon anyang nabalitaan na na-holdap si Bagcal ay sinubukan niyang tawagan noong araw ng Lunes ang kuya subalit hindi na matawagan.
Sa ngayon ay nag-aalala si Gng. Sarmiento na baka pinaslang ang kanyang kuya.
Magugunitang ang taxi driver na si Tomas Marleo Bagcal ay hindi na mahagilap ngayon makaraang holdapin umano ni Carl Angelo Arnaiz bago mapatay ng mga pulis Caloocan




