--Ads--

CAUAYAN CITY- Agad na naaresto ng mga pulis ang lalaking pumatay sa karelasyong guro sa high school na natagpuang patay sa San Isidro,San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay si Rodel Acerit, 32 anyos at residente ng San Patricio, Delfin Albano, Isabela.

Una rito, itinawag sa Delfin Albano Police Station ang nakitang lalaki na nakahandusay sa bukid sa tabi ng daan na may mga sugat sa katawan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan , sinabi ni P/Sr. Inspector Ericson Añag, hepe ng Delfin Albano Police Station na sa isinagawa nilang follow-up operation ay napag-alaman nila sa kaibigan ng biktima na noong gabi bago ang brutal na pagpatay sa biktima ay nakipag-inuman pa ito sa suspek na si Roldan Magday at Ejay Viernes sa barangay Rizal.

--Ads--

Sinabi ni P/Sr. Inspector Añag, na ito ang dahilan kaya inanyayahan nila si Magday sa kanilang himpilan at dito nakita ang mga pasa at kalmot sa mga kamay at katawan ng suspek.

Dito na umamin ang suspek na pinalo niya ng kawayan sa ulo at katawan si Acerit.