--Ads--

CAUAYAN CITY- May agam agam ngayon ang Teachers Dignity Coalition sa pagkakatalaga kay Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Teachers’ Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas na bagamat tanggap nila ang bagong appointment ng Pangulo sa kalihim ng Edukasyon ay nadismaya sila dahil sa hindi napakinggan ang kanilang hiling na huwag politiko ang iluklok bilang kalihim ng DepEd.

Aniya, gayunman ay una naring inihayag ni Angara na handa siyang makipag- uganayan sa kanila kaya naman umaasa ang grupo na hindi muling magagamit ang DepEd sa political agenda ng mga kinauukulan.

Hiling niya sa bagong kalihim na maging bukas  para sa umento sa sahod ng  mga guro.

--Ads--