
CAUAYAN CITY – Mayroong nang 50 na reklamo ang natanggap ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na biktima ng phishing scam na kanilang isasampa sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maimbestigahan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Benjo Basas, chairman ng TDC na maari pang madagdagan ang mga gurong nabiktima ng phishing scam dahil marami ang nakiKIpag-ugnayan sa kanila na maAaring umabot sa 80.
Nilinaw ni Ginoong Basas na ang mga tatanggapin lamang nilang reklamo ay ang mga verified para kapag naisampa na sa NBI o DepEd Central Office ay kompleto ang mga detalye.
Kailangan din nila ang individual request ng mga guro ng nabiktima ng phishing scam sa kanilang bank account sa Land Bank na humihingi ng imbestigasyon.
Inihayag pa ni Ginoong Basas na 26 nang kaso ang naipadala na sa NBI sa pagsisimula ng imbestigasyon .




