--Ads--

Hindi sang-ayon ang Teacher’s Dignity Coalition sa inilabas na memorandum Circular ng Civil Service Commision na nag-aatas sa mga Guro na mag-suot ng Filipiniana-Inspired na mga kasuotan.

Batay sa inilbas na revised Dress Code sa ilalim ng Memorandum Circular No. 16 series of 2024, ang mga Government Employees ay dapat magsuot ng ASEAN-Inspired na kasuotan sa bawat unang Lunes ng Buwan habang Filipiniana-Inspired naman ang susuotin sa kada ikalawa hanggang ikaapat na Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay National chairperson Benjo Basas, ng Teacher’s Dignity Coalition, sinabi niya na hindi praktikal para sa kanilang mga Guro ang pagsusuot ng mga nabanggit na kasuotan dahil sa kakulangan ng bentilasyon sa mga paaralan pangunahin na sa mga Public Schools.

Aniya, hindi magiging komportable ang mga guro sa mga ganoong kasuotan lalo na hindi naman sila nananatili lamang sa iisang lugar dahil palipat-lipat sila ng silid aralan na pagtuturuan.

--Ads--

Mas mainam aniya kung gagamitin na lamang nila ang kanilang Agency Uniform na dumaan naman sa Level of consultation sa pamamagitan ng National Uniform Committee.

Sa halip aniya na magsuot ng mga hindi komportableng kasuotan ay mas mabuti kung I-embed na lamang sa kanilang Uniform ang mga disenyo na sumasalamin sa ASEAN at Filipino Culture.

Naipaabot na umano nila ang kanilang hinaing sa Civil Service Commision at umaasa sila na pagbibigyan ang kanilang kahilingan lalo na at hindi naman aniya nasusukat ang kakayahan ng isang guro sa pamamagitan ng kasuotan nito.