CAUAYAN CITY – Hindi pabor ang grupo ng mga Guro sa panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng Cellphone sa loob ng paaralan.
Ito ay matapos maghain si Senator Sherwin Gatchalian ng Senate Bill No. 2706 o Electronic Gadget-Free Schools Act na layong magbawal sa mga Guro at Estudyante sa paggamit ng mobile devices sa oras ng klase.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Benjo Basas, Chairman ng Teacher’s Dignity Coalition, sinabi niya na sa halip na ipagbawal ang paggamit ng cellphone ay mas mainam kung magkaroon na lamang ng strict regulation.
Aniya, mahihirapan ang mga guro at estudayante kapag ipatutupad ang total ban ng cellphone dahil ito ay maituturing na necessity sa pag-aaral dahil karamihan sa mga lesson ay accessible online.
Nilinaw naman niya na may limitasyon ang paggamit ng mga mag-aaral ng cellphone at dapat lamang silang pahintulutang gumamit kung may kaugnayan sa kanilang aralin.
Nasa Guro dapat ang Authority kung kailan at anong oras lamang dapat gamitin ng mga estudyente ang kanilang mga mobile phones.
Amido naman si Basas na destruction ang mga gadgets sa pag-aaral ng mga bata ngunit giit nito na hindi na kinakailangan pa ng batas para ipagbawal ang paggamit nito.