
CAUAYAN CITY – Sumuko sa mga kasapi ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office ang isang magsasaka na kasapi ng CPP-NPA-NDF.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (IPPO) ang sumuko ay si Alyas Rene o Abel, pitumpong taong gulang, mag-asawa at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Isinuko rin nito ang 2 hand grenade, isang Glock CA114, grenade detonator, dalawang firing device at iba pang gamit sa paggawa ng pampasabog.
Si Alyas Rene o Abel ay naging team leader ng NPA at tumagal ng l12 taon sa loob ng kilusan na kumikilos sa mga lalawigan ng Kalinga, Quezon at Ifugao.
Tuluyan sumuko ang naturang rebelde dahil sa pagkawatak-watak na ng kanilang grupo at dahil na sa hirap na naranasan sa loob ng kilusan.










