--Ads--

Nilinaw ng isang Abogado ang nilalaman ng petisyon ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC para ilabas ng korte ng Davao City ang Temporary Protection Order.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Former IBP President Atty. Domingo Egon Cayosa, sinabi niya na walang kinalaman sa Warrant of Arrest na issued ng RTC Pasig, Davao at Senado ang inilabas na Temporary Protection Order ng korte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ o KOJC dahil ang nag hain nito ay mga miyembro ng simbahan at estudyante dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan.

Ang layunin ng temporary protection order ay upang pangalagaan ang kaligtasan at karapatan ng mga miyembro ng simbahan at mga estudyante.

Aniya hindi ito paraan upang pahintuin ang PNP sa ginagawang paghahanap kay Quiboloy.

--Ads--

Sa makatuwid aniya binibigyan ng korte ang PNP ng pahintulot na ipagpatuloy ang kanilang pagsisilbi ng Warrant of Arrest kay Quiboloy dahil wala namang kapangyarihan ang RTC Davao na patigilin ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest na inilabas ng RTC Pasig at Senado.

Subalit iginiit nito na hindi dpat makompromiso ang kaligtasan ng mga walang kinalaman o hindi subject ng Warrant of Arrest.

Makatwiran lamang aniya ito dahil ito ay petisyon sa Writ of Amparo.

Wala ring nakikitang iligal ang dating Pangulo ng IBP sa ginagawang pagpapasok ng mga makabagong kagamitan o anumang equipment ng PNP na gagamitin sa paghahanap sa nagtatagong Pastor.

Hindi aniya ito dapat pang kwestiyunin ng Legal Council ng KOJC dahil naayon lamang ito sa batas.

Natitiyak naman niya na anuman ang pangamba sa kampo ni Pastor Quiboloy na extraordinary rendition ay maipapatupad pa rin naman ang rule of law at susundin pa rin ng PNP ang due process.