--Ads--

Naabot ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang panibagong milestone sa kanyang karera matapos umakyat sa personal-best world No. 45 sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings.

Ang 20-anyos na si Eala ay umakyat ng apat na puwesto mula No. 49 noong nakaraang linggo, kasunod ng kanyang quarterfinal finish sa kauna-unahang Philippine Women’s Open. Dahil dito, siya rin ang kauna-unahang Pilipinang tennis player na nakapasok sa WTA Top 50.

Patuloy ang steady na pag-angat ni Eala sa professional tour matapos maipon ang mahalagang ranking points mula sa kanyang mga consistent na performance sa unang bahagi ng season.

Matapos ang ranking update, babalik agad sa aksyon si Eala ngayong gabi sa Mubadala Abu Dhabi Open, kung saan haharapin niya si Zeynep Sönmez ng Turkey sa opening round ng WTA 500 tournament.

--Ads--

Inaasahang magiging matinding pagsubok ang laban para kay Eala habang hangad niyang ipagpatuloy ang kanyang momentum at makagawa ng malalim na ratsada sa isa sa mga mas mataas na antas na torneo ngayong season.