Tila hindi nararamdaman sa Taiwan ang ginagawang mga hakbang ng China para sa umano’y tangkang pananakop sa naturang teritoryo.
Matatandaan na nagpadala ng ilang vessels maging aricrafts ang China sa karagatan na sakop ng Taiwan para sa kanilang live military drill.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Ria Rose De Guzman,na nanatiling ligtas sila doon at kalmado ang sitwasyon sa kabila ng live fire exercises at military drill ng China sa Taiwan.
Aniya, batay na rin sa kaniyang amo ang bantang giyera ay isang uri lamang ng pananakot mula sa China dahil sa pagnanais nitong angkinin ang teritoryo.
Sa ngayon ay wala pa rin namang nararamdamang tensyon sa Taiwan sa kabila ng ginagawang ito ng Tsina.
Bagamat nangangamba ang ilang Pilipino sa Taiwan ang mga Taiwanese aniya ay nanatiling kalmado sa siwasyon kaya walang dapat ipag alala ang kanilang mga kaanak na narito sa Pilipinas.