CAUAYAN CITY- Mariing pinabulaanan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang ilang impormasyon kaugnay sa umano’y tensyon sa Provincial Capitol.
Itinanggi din ng Gobernador na nagkaroon ng dagdag na pwersa ng pulisya sa Provincial Capitol dahil sa umano’y tensyon sa ilang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Sa Exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Albano mariin niyang itinanggi ang mga naglabasang impormasyon at tahasan itong tinawag na walang katotohanan.
Aniya wala siyang idea sa umanoy karagdagang pwersa ng PNP sa Provincial Capitol.
Itinanggi din niya ang umano’y naka padlock na tanggapan sa Provincial Capitol at ipinagbabawal na pasukin at ipinagbabawal ilabas ang aunumang dokumento.
Giit ni Governor Albano na anumang dokumento sa Kapitolyo ay ikinukunsiderang Public Document kaya hindi niya alam kung saan nangagaling ang aniya’y mga haka-haka.
Nilinaw din niya na wala siyang pinaiimbestigahan na empleyado, wala siyang tinanggal at wala ring pinag resign.
Ang naturang mga impormasyon ay haka-haka at imagination lamang.







