--Ads--

Matagumpay na nakuha ni Terence Crawford ang bagong undisputed super middleweight champion matapos ang pinakamalaking panalo sa kanyang karera laban kay Canelo Alvarez.


Sa isang makasaysayang laban sa Allegiant Stadium sa Las Vegas nitong Linggo (oras sa Pilipinas), tinalo ni Crawford si Alvarez sa pamamagitan ng unanimous decision upang agawin ang kampeonato sa super middleweight division.

Hawak na ngayon ni Crawford ang lahat ng pangunahing titulo sa WBA, WBC, IBF, WBO,at The Ring World Champion na nagpalawig sa kanyang undefeated record sa 42 panalo.


Siya ang kauna-unahang lalaking boksingero sa four-belt era na naging undisputed champion sa tatlong magkaibang weight class: junior welterweight, welterweight, at ngayon, super middleweight.

--Ads--

Ang tagumpay ni Crawford ay lalong nagpapatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa mga pinakamagaling pound-for-pound fighters sa kasaysayan ng boksing.


samantala,si Canelo Alvarez, ay bumaba sa trono matapos ang ikatlong pagkatalo sa kanyang karera.