--Ads--

CAUAYAN CITY – Bubuksan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Isabela ang kanilang inovation center para sa food processing training bilang tulong sa nararanasan ngayon na over supply ng pinya sa Echague at San Guilermo, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay School Superintendent Edwin Madarang ng ISAT-TESDA sinabi niya na mula pa noong nakarang taon ay nagsasagawa na sila ng food processing training sa mga pineapple farmer cooperative sa San Guillermo at Echague, Isabela at tinuruan silang mag proseso ng value added products na gawa sa pinya tulad ng jam at dried pineapple.

Aniya, inaasahan na magkakaroon ng pagpupulong sa mga sususnod na araw at tutunguhin nila ang isang barangay sa bayan ng San Guillermo para muling magsagawa ng food processing training.

Sa katunayan ay siyam na iba’t ibang by-products ang maaaring malikha ng pinya tulad ng pineapple wine, pineapplpe vinegar, pineapple candy, pineapple tid bits, crushed pine apple, pineapple jam at dried pineapple.

--Ads--

Ang mga produktong agrikultura tulad ng pinya ay maaaring dalhin sa kanilang innovation center para maproseso at matulungan ang mga magsasaka na makahanap ng mga buyer na mangangailangan ng value added products.

Tinig ni School Superintendent Edwin Madarang.