--Ads--

CAUAYAN CITY- handang-handang ang TESDA Isabela na magbigay ng kasanayan sa mga overseas filipino worker (OFW) na nais nang bumalik sa pangingibang bansa at nais magtungo sa bansang Japan.

Nagbigay ng pabatid ang bansang Japan hinggil sa pangangailangan ng mga karagadagang manggagawa kaya nais ipadala doon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga OFWs na bumalik sa bansa mula sa Kuwait at iba pang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervising TESD Specialist Fatima Carag ng TESDA Isabela, sinabi niya na ang pamantayan ng bansang Japan sa paghahanap ng mga manggagawa ay katulad din ng pamantayan na ibinibigay ng kanilang tanggapan.

Maging ang mga pasilidad na ginagamit ng Japan ay kahalintulad din ng ginagamit ng TESDA.

--Ads--

Sa paraang ito umano makakasabay ang mga pilipino sa uri ng trabaho na kanilang madadatnan sa Japan.

Nagbibigay din aniya ang TESDA ng mga Certificate na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho.

Isa sa mga hinahanap na mga manggagawa ng Japan ay mga may kaalaman sa Food and Beverages na inaalok din ng Isabela School of Arts and Trade and TESDA Institute sa Ilagan City.

Bagamat prayuridad ng nasabing tanggapan ang mga OFW na naapektuhan ng deployment ban sa Kuwait, wala pa namang mga naapektuhang nagpatala sa TESDA Isabela.