--Ads--

Pormal nang tinuldukan ng Cambodia at Thailand ang kanilang hidwaan matapos lumagda sa isang peace deal sa Kuala Lumpur, Malaysia kasabay ng 47th ASEAN Summit ngayong Linggo, Oktubre 26.

Ang naturang peace deal na tinawag na “KL PEACE Accord” ay nilagdaan nina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Chairnvikarul kasama sina US President Donald Trump at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim

Nagkasundo ang dalawang bansa na tanggalin ang kanilang mga kagamitang pandigma sa border; magtulungan sa paglaban sa scam syndicates; at pagsasagawa ng joint border survey.

Kung matatandaan, sumiklab ang tensiyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia dahil sa border dispute at nito lamang Hulyo ay nagkasagupa ang pwersang militar ng dalawang bansa kung saan mahigit 40 katao ang nasawi.

--Ads--

Ayon kay Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul, ang kaniyang paglagda sa peace deal ay pagpapakita ng kanilang kagustuhang maresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan sa mapayapang paraan.

“This declaration reflects our will to resolve differences peacefully in full respect of sovereignty and territorial integrity,” ani Charnvirakul.