--Ads--

Naglunsad ng air strike ang Thailand sa Cambodia nitong Lunes, Disyembre 8, ayon sa Thai Military.

Ito ay matapos akusahan ng dalawang bansa ang isa’t isa na hindi sumunod sa ceasefire agreement na pinangunahan ni United States President Donald Trump.

Batay sa ulat, isang sundalo ang nasawi habang sugatan naman ang apat na iba pa sa naturang pag-atake.

Sa inilabas naman na pahayag ng Cambodia Defense Ministry, kinumpirma nito na matapos ang ilang araw na ‘provocative actions’ ng Thailand ay tuluyan na itong naglunsad ng air strikes subalit hindi pa umano gumaganti ang kanilang mga sundalo sa ginawang pag-atake ng kalabang bansa.

--Ads--

Nag-ugat ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa border dispute.