CAUAYAN CITY – Naghigpit ng panuntunan ang pamahalaan sa mga paliparan o Airport sa nasabing bansa matapos na makapagtala ng labintatlong kaso ng omicron variant ng Covid 19.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Yolanda Garcia, matapos ang pagkakatala ng bansa ng labintatlong kaso ng Omicron Variant noong araw ng linggo ay naghigpit na ang mga airport sa mga dumarating na mga pasahero.
Ang mga nasabing pasahero ay nanggaling sa South Africa sakay ng dalawang flight na may kabuuang 600 na pasahero.
Animnaput isa sa mga ito ang nagpositibo sa Covid 19 habang labintatlo naman ang positibo sa Omicron Variant.
Hindi na pinalabas ang mga nasabing pasahero sa airport upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Kasalukuyang nananatili ang mga nagpositibo sa isang hotel malapit sa airport
Nagpapatuloy ang contact tracing at testing sa limang libo pang pasahero na galing sa South Africa, Botswana, Eswatini, Lesotho, Mozambique, Namibia at Zimbabwe.
Dahil sa pagkakatala ng kaso ay pinaikli ang oras ng pagbubukas ng mga bars, restaurants at iba pang establisimiento hanggang alas singko na lamang ng hapon.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Garcia libre na ang self ccovid test sa The Netherlands kaya hindi na pwedeng sabihin ng mga mamamayan na wala silang tiyansang magpatest.
Ang pinangangambahan ngayon ng mga otoridad ay kung sakaling makalabas sa airport ang omicron virus lalo na at hindi pa alam kung gaano ito kadelikado.











