--Ads--

Isinulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang paikliin sa tatlong taon na lamang ang pag-aaral sa kolehiyo.

Nakapaloob sa inihain niyang Three-Year College Education (3CE) Act na gawing tatlong taon ang kurso sa kolehiyo sa halip na apat na taon.

Nakasaad sa panukala na pagpasok ng estud­yante sa kolehiyo ay diretso na sila sa mga major subject ng kinuhang kurso.

Ang mga General Education (GE) course naman ay isasama na sa senior high school.

--Ads--

Layon nito na tiyakin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kolehiyo at mabigyan ng mas mara­ming panahon ang internship at advanced specialization.

Ibinahagi ni Gatchalian ang mga naging resulta ng pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), kung saan lumabas na ang mga programa ng kolehiyo sa Pilipinas ay itinuturing na GE-heavy at internship-light.