CAUAYAN CITY – Mabilis maubos ang mga ibinebentang ticket dahil sa dami ng mga taong nais mapanood ang mga mahuhusay na football player sa ginaganap na 2018 FIFA World Cup sa Moscow, Russia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Primitivo San Jose Jr. ng Sta Maria, Bulacan at kasalukuyang nasa Russia, sinabi niya na umaabot sa mahigit 79, 0000 na tao ang nanonood sa isang araw.
Sa website lamang ng FIFA makakabili ng ticket kaya kung ang nais makakuha nito ay kailangang abangan ang update kung mayroon nang available.
Ang presyo naman ng ticket ay umaabot sa dalawampong libong ruble pataas depende sa panonooring kategorya.
Naniniwala si G. San Jose na sa labing-anim na bansang maglalaban sa last 16 ay ang Brazil at Portugal ang nakikita niyang maglalaban sa finals.
Sinabi pa ni Ginoong San Jose na napakalaki ng ginastos ng Pamahalaan ng Russia para sa FIFA World Cup.
Lahat ng mga lumang gusali malapit sa venue ay inayos at lalo pang pinaganda.
Sinikap na bago idaos ang FIFA World Cup ay maitayo ang Disney Land sa Moscow ngunit kinapos ang pondo.