--Ads--

Inianunsyo na ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah sa Lebanon.

Una ng iniulat na pinulong ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang high-level security cabinet sa Tel Aviv nitong gabi ng Martes para aprubahan ang ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng Israel at terror group na Hezbollah sa Lebanon matapos ang mahigit isang taon ng giyera.

Ang panukalang ceasefire ay magtatagal ng inisyal na period na 60 araw kung saan kasama sa magiging kasunduan ay ang pag-withdraw ng Israeli forces mula sa Lebanon.

Bilang tugon, aalisin naman ng Hezbollah ang kanilang presensiya sa timog ng Litani River na nasa 30 km north ng international border at papalitan ang mga ito ng Lebanese Army troops.

--Ads--

Gayundin kasama sa ceasefire deal na dapat ay walang Israeli-occupied buffer zone sa southern Lebanon. Habang ang US na namumuno sa 5-country committee ay dapat i-monitor ang pagpapatupad ng ceasefire at dapat i-oversee o pangasiwaan ng Lebanese government ang pagbili ng mga armas at produksiyon nito sa naturang bansa.

Bilang karagdagan, mag-iisyu din ang US ng isang sulat na kumikilala sa karapatan ng Israel para atakehin ang Lebanon sakaling labagin ng Hezbollah ang ceasefire agreement.

Nauna ng napaulat na “approved in principle” na ni PM Netanyahu ang naturang kasunduan.