--Ads--

Nahaharap sa mga bagong kaso ngayon ang Tiktok matapos maghain ng reklamo ang 13 US states at District of Columbia nitong Martes.

Inaakusahan ang sikat na social media platform ng pananakit at bigong pagprotekta sa mga kabataan.

Magkahiwalay na isinampa ang mga demanda sa New York, California, District of Columbia at 11 pang estado.

Pinalawak ang legal cases ng TikTok na pagmamay-ari ng isang Chinese at may U.S. regulators, na sinampahan ngayon ng mga penalties.

--Ads--

Inaakusahan ng mga states ang TikTok ng paggamit ng nakakahumaling na software na idinisenyo upang panatilihing nakatutok ang mga bata ng mahabang oras at hindi umano namo-moderate ang mga nilalaman nito.

Ayon kay Attorney General Rob Bonta ng California, puntirya ng TikTok ang mga kabataan dahil alam nila na ang mga bata ay wala pang kapasidad na pigilan ang sarili sa mga addictive content.

Ang TikTok ay naglalayong i-maximize ang dami ng oras na ginugugol ng mga user sa app upang ma-target sila gamit ang mga ads.

Noong Marso 2022, walong estado rin kabilang ang California at Massachusetts, ang nagsabing naglunsad sila ng malawakang pagsisiyasat sa mga epekto ng TikTok sa mga kabataan.

Idinemanda rin ng Department of Justice ng U.S. ang TikTok noong Agosto dahil sa diumano’y hindi pagprotekta sa privacy ng mga bata sa app.

Mariin namang itinanggi ng TikTok ang mga paratang sa paghahain ng korte.