--Ads--

Nasunog sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon ang isang tindahan ng paputok sa Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga, na nagresulta sa pagkaubos ng mga paninda nitong paputok.

Ayon sa isang vendor, nagsimula ang insidente nang may pinaputok na kwitis na naligaw at tumama sa isang stall, dahilan upang magliyab ang mga nakaimbak at ibinebentang paputok. Dahil dito, mabilis na kumalat ang apoy at tuluyang tinupok ang mga paninda.

Agad namang nagsipulasan ang mga tao sa lugar upang makaiwas at matiyak ang kanilang kaligtasan. Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may mga nasugatan o nasaktan sa naturang insidente.

Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad sa publiko na maging maingat sa paggamit ng paputok upang maiwasan ang kaparehong aksidente.

--Ads--