--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga alagad ng batas ang isang vendor sa isinagawang drug buy-bust operation sa baligatan, Ilagan City.

Ang dinakip ay si Mariano Jimenes, 46 anyos, may-asawa, vendor at residente ng Calamagui 1st, lunsod ng ilagan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa IPPO, nakabili kay Delgado ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer ng isang heat sealed transparent sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha sa kanyang bulsa ang Php500.00 marked money.

--Ads--

Dinala sa himpilan si Jimenez at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002).