--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Qatar na hindi dapat mabahala dahil maayos ang kanilang kalagayan doon.

Ito ay sa kabila ng krisis na nararanasan ngayon ng Qatar at mga kalapit bansa sa Middleast .

Ayon kay Kalihim Bello, nakausap niya ang Ministry of Labor ng Qatar at muling tiniyak na nasa maayos ang kalagayan ng mga Pilipino maging ang iba pang manggagawa sa iba’t ibang bansa.

Tiniyak aniya ng Ministry of Labor ng Qatar na may sapat na pagkain sa kanilang bansa at punong-puno ang mga estante ng mga groserya o supermarket sa nasabing bansa

--Ads--

Marami pa ring mga bansa ang nagtutustos sa kanila ng mga pagkain at mga pangunahing bilihin maliban sa mga bansang kumalas ng ugnayang pang-diplomatiko sa Qatar.

Sinabi pa ni Kalihim Bello na nag-usap sila ng Ambassador ng Qatar sa kanyang tanggapan sa DOLE Central Office.

Ilan sa kanilang tinalakay ang ihahandang contingency plan para sa mga OFWs sakaling lumala ang krisis sa nabanggit na bansa.