CAUAYAN CITY- Ibinahagi ng isang Feng Shui Expert ang ilang pamamaraan para makaakit ng swerte sa taong 2025 na year of the Wooden Snake.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Master Hanz Cua, Feng Shui Expert, sinabi niya na ang lucky Color sa 2025 ay Color Gold kaya naman dapat maliwanag ang bahay, mag general cleaning bago ang January 1, para pumasok ang swerte.
Dapat na ring palitan ng bago ang mga Kurtina para bagong swerte ang pumasok at mas mainam kung mayroon itong touch ng white, silver, gold, o gray. Maging ang mga sirang bumbilya ay dapat na ring palitan.
Punuin din dapat ang lagayan ng mga bigas, asin, LPG at maghagis ng barya sa buong bahay at magbigay ng ampaw sa mga bata.
Huwag kalilimutan ang maghain ng 12 uri ng bilog na prutas bilang simbulo 12 na buwang masagana. Maghanda rin ng pansit, spaghetti, pork, chiecken at fish.
Dahil year of the wooden sa 2025 ay dapat mag-display ng snak decoration sa bahay.
Ayon kay Master Hanz, dapat sama-sama ang buong pamilya sa pagsalubong sa bagong taon at makipagbati na sa mga taong nakahidwaan.
Ngayong taon ay prone na ma-scam ang mga year of the rat kaya mag-ingat sa mga investment habang swerte naman ang year of the Ox sa 2025 dahil kaibigan nito ang year of the snake.
Kailangan namang lumayo sa anumanong trouble ang year of the Tiger habang maaari namang makaranas ng multiplication of wealth ang year of the Rabbit dahil suswerehin ito sa negosyo.
Nasa year of the Dragon at year of the snake naman ang Victory at success star sa susunod na taon.
May blessing from the heaven naman ang mga ipinanganak sa year of the Horse, may money star naman ang year of the sheep, may opportunity ring paparating para sa mga year of the Monkey.
Ang mga ipinanganak naman sa year of the rooster ay may love at may wisdom star.
Uulanin naman ng maraming pera ang mga year of the Dog ngunit kailangan lang mag-ingat sa misunderstanding at conflict.
Kalaban naman ng year of the snake ang year of the Pig kaya naman maging mabait at maging humble sa lahat ng pagkakataon.
Nilinaw naman ni Master Hanz na ang kaniyang mga ibinahagi ay mga patnubay at gabay lamang dahil nasa kamay parin ng bawat isa nakasalalay ang kanilang tagumpay.