--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa standby alert ang  ang Tactical Operations Group 2 o TOG2 ng Philippine Airforce para sa pag-alalay sa mga sundalo sakali magkaroon ng sagupaan sa mga rebeldeng grupo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Lt Col. Sadiri Tabutol, Commander ng TOG2, sinabi niya na mula nang matapos ang kanilang mapayapang pagsuporta sa lokal at pambansang halalan ay balik sila sa dati na nakaantabay lamang sila kasama ang mga sasakyang panghimpapawid.

Ayo kay LtCol Tabutol, ang tropa ng Infantry Division Philippine Army ay nagtutungo sa mga bulubundukin bahagi ng kanilang mga nasasakupang lugar para tugisin ang mga kaaway ng pamahalaan.

Maaaring magkaroon ng sagupaan kaya nakaantabay lang sila para agad na makasaklolo kapag kailangan ang kanilang tulong.

--Ads--

Ayon kay Lt Col. Tabutol, patuloy ang kanilang  panawagan sa mga rebeldeng grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan upang mamuhay nang tahimik kasama ang kanilang mga pamilya.