CAUAYAN CITY – Nahirapan sa paghinga, nangitim at nawalan ng malay kaya isinugod sa ospital ng Rescue 922 ng Cauayan City ang isang tomboy na lumahok sa paligsahan sa pag-inom ng alak sa pagdiriwang ng pasko sa Purok Uno, District 3, Cauayan City.
Ang biktima na si Mary Jane Palisoc, 34 anyos at residente ng barangay District 3 ay nagkamalay lamang matapos ang apat na oras makaraang isugod sa Cauayan District Hospital
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Joven Tunacna sumali ang biktima sa parlor games na pabilisan sa pag-ubos ng alak na may premyong Php1,500,00.
Siya lang ang babaeng lumahok sa paligsahan.
Bago ang pag-inom ng alak ay sinabihan ng kaniyang pamilya ang biktima na huwag nang sumali ngunit nagpumilit.
Una na rin umanong nakainom si Palisoc bago ang pagsali sa palaro.
Sinabi ni Ginoong Tunac, ilang minuto matapos makaubos ng isang bote ng alak si Palisoc ay idinaing niya ang hirap sa paghinga bago nawalan ng malay kaya tumawag ang mga tao ng tulong sa Rescue 922.