--Ads--

CAUAYAN CITY -Nadakip ng mga otoridad at nakakulong na ang top one drug pusher sa Bambang,Nueva Vizcaya sa isinagawang drug buy bust operasyon.

Ang sispek ay si Rex Cabanilla, 39 anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Supt. Joseph Dela Cruz, Public Information ng Nueva Vizcaya Police Prov’l. Office (NVPPO) na ang suspek si Cabanilla ay nadakip matapos bentahan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer

Naging mailap umano si Cabanilla dahil nakalusot sa naunang isinagawang drug buy bust operation ngunit nahuli din.

--Ads--

Si Cabanilla ay mayroon na ring nakabinbing kasong Frustrated murder at physical injury at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug of 2002).

Umaasa ang pamunuan ng NVPPO susunod na nilang madakip ang anim pang natitirang malakihang magbenta ng illegal na droga sa nasabing lalawigan.