--Ads--

Inaresto ng mga awtoridad ang Top 1 Provincial Most Wanted Person kaugnay ng kasong panggagahasa at paglabag sa Republic Act No. 7610 o Anti-Child Abuse Law, noong Disyembre 21, 2025 sa Purok 4, Barangay Gucab, Echague, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jay,” nasa hustong gulang, walang asawa, isang manggagawa at residente ng nasabing barangay.

Isinagawa ang pag-aresto bandang 10:30 ng umaga sa bisa ng Mandamiento de Aresto na inilabas noong Disyembre 10, 2025 ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 24, na walang inirekomendang piyansa.

Pinangunahan ng Echague Police Station ang operasyon, katuwang ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC), RIU 2 CIT Santiago, at PIDMU–IPPO.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Echague Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa korteng may hawak ng kaso.

Sa pahayag ni Police Major Domer T. Pelo, Chief of Police ng Echague Police Station, iginiit niya ang patuloy na pagsasagawa ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons at sa mga krimeng lumalabag sa karapatan at kaligtasan ng mamamayan, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Echague.