Isinagawa ang awarding ng Best School Paper ngayong Regional Schools Press Conference 2025 na ginanap sa malaking mall sa lungsod ng Cauayan.
Matatandaan na ang RSPC ay kinabibilangan ng mga student journalist mula sa Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Batanes at Quirino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Octavio Cabasag, Chief Education Program Supervisor, Curriculum and Learning Management Division CLMD DepEd R02, sinabi niya na mas madami ang mga kalahok ngayon kung ikukumpara noong RSPC 2024.
Sa naturang awarding ay pinarangalan ang top 10 mula sa 100 entries sa lambak ng Cagayan at ngayong araw ang awarding ng ilan pang individual writing at group contest tulad ng broadcasting at iba pa.
Target naman ng Region 2 na mahigitan ang top 5 rank noong nakaraang NSPC sa CARCAR CITY noong 2024.
Samantala, Mas marami naman aniya ang kalahok ngayong RSPC 2025 dahil nagpadala ang Batanes ng mahigit 90 na school journalist mula sa dating 50 lamang. Batay aniya sa kanilang datos, may kabuoang 2980 participants ngayong taon.
Ilan sa mga nabigyan ng parangal ay ang mga sumusunod;
Sa news page secondary English category, nanguna ang “The Segovian” ng Lal-lo National High School, habang sa English Elementary Category naman ay tinanghal na 1st place ang “Salladay”ng Macugay Elementary School ng Isabela.
Nakuha ng Cagayan National High Scool ang unang pwesto sa Pahinang Agham at Teknolohiya Secondary Filipino Category at first place din sa pahinang sports Filipino Category.
Samantala,10 ng umaga ngayong araw isasagawa ang awarding sa ilan pang individual at group events, maging ang overall rank ng bawat probinsya.








