--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilarawan ng kanyang ama na masipag at mabait na anak ang Rank 7 sa Philippine National Police Academy (PNPA) Alab-Kalis Class of 2022.

Ang nasa Top 7 ay si Cadet Neil Winston Navalta mula sa Diffun, Quirino na tumanggap ng Chief Bureau of Fire Protection (BFP) Kampilan para sa pagtatapos bilang pinakamataas na ranggo na kadete na sasali sa BFP.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Board Member Jovito Navalta ng Quirino, retiradong pulis at ama ni Top 7 Cadet Neil Winston Navalta ng PNPA Alab-Kalis Class of 2022 na walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan dahil nakamit na ng anak ang kanyang pangarap.

Sinabi ni Ginoong Navalta na bunso nitong anak si Niel Winston at nag-iisang lalaki .

--Ads--

Anya mabait ang kanyang anak at masipag mag-aral.

Naniniwala din siyang naimpluwensiyahan niya ang anak na pumasok sa PNP dahil isa siyang retiradong pulis habang ang isa pa nitong anak ay nagtapos sa PNPA noong 2016 at mayroon pang isang anak na naka-destino sa Camp Crame.

Bago pumasok sa PNPA si Cadet Neil Winston Navalta ay nagtapos siya ng BS Criminology sa University of Cordilleras Baguio City at pumasa sa Criminology Board Exam.

Matapos anyang pumasa sa board exam ay nais ng anak na pumasok sa PNP ngunit hinimok nitong mag-aral sa PNPA at mapalad namang pumasa sa entrance examination.

Bahagi ng pahayag ni Board Member Jovito Navalta ng Quirino, retiradong pulis at ama ni Top 7 Cadet Neil Winston Navalta ng PNPA Alab-Kalis Class of 2022.