Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang No. 9 Provincial Most Wanted Person na sangkot sa kasong statutory rape sa Naguilian, Isabela.
Dakong alas-6:10 ng gabi nitong Enero 11, 2026 nang maaresto si alyas “Eloy,” 65 taong gulang, may asawa at magsasaka, sa Zone 3, Barangay Quezon, Naguilian. Ang pag-aresto ay isinagawa batay sa Warrant of Arrest na inisyu noong Disyembre 19, 2025 ng , Ilagan City, na walang inirekomendang piyansa.
Pinangunahan ng Naguilian Police Station ang operasyon katuwang ang Police Intelligence Unit–IPPO, CIDG Isabela Provincial Field Unit, at Regional Intelligence Unit 2–PIT Isabela East.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Naguilian Police Station ang suspek para sa karagdagang dokumentasyon at paghahanda sa pag-turn over sa korte.
Ayon sa IPPO, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons, lalo na ang mga sangkot sa krimeng may biktimang menor de edad.
Home Local News
Top 9 Provincial Most Wanted Person sa kasong statutory rape, nasakote ng pulisya sa Naguilian, Isabela
--Ads--











