--Ads--

CAUAYAN CITY -Hinihiling ng ilang overseas filipino workers sa pamahalaan na magpatupad ng total deployment ban sa bansang Kuwait dahil patuloy pa rin ang pagpatay at pagmamaltrato ng mga among Kuwaiti sa mga OFW doon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Anadelia, isang OFW sa Kuwait at tubong Echague, Isabela na kaawa-awa ang kalagayan ng mga manggagawa sa nasabing bansa dahil sa patuloy pa rin ang pagmamaltrato ng mga among kuwaiti

Kailangan na anyang gumawa ng paraan ang ating pamahalaan upang hindi na magtungo sa Kuwait ang kapwa nila pinay na nais ding mangibang bansa.

Inamin din ni Anadelia na bagamat hindi naman siya nakakaranas ng pagmamaltrato ay hawak umano ng kanyang employer ang kanyang passport

--Ads--
Tinig ni Anadelia, isang OFW sa Kuwait

Anya maraming pinoy ang nahihikayat na magtungo sa Kuwait at Saudi Arabia dahil maliit lamang ang magagastos kumpara sa ibang mga bansa na malaki ang gastos.