CAUAYAN CITY– Pansamantalang kinansela at ipinagbabawal ang pagsasagawa ng tourism activities sa lalawigan ng Aurora kasabay ng ipinatutupad na travel ban.
Sa inilabas na executive order ni Acting Governor Christian Noveras pansamantalang ipinagbawal ang pagbiyahe ng mga turista sa mga tourist destination sa bilang tugon sa inilabas na kautusan ni Pangulong Duterte na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaang na magpatupad ng mga pre-cautionary measures kontra COVID 19.
Inatasan na rin ang mga may-ari ng hotels at resorts na huwag na munang tumanggap ng bookings habang pinapayuhan ng Provincial at municipal tourism office ang mga dayuhang turista na kasalukuyang nasa mga hotel at resort sa lalawigan na sumunod sa kanilang mga ipinapatupad na panuntunan.
Pinahihintulutan pa ring makapasok ang mga delivery trucks na nakatakdang maghatid ng mga produkto sa loob ng lalawigan basta sumunod sa mga panuntunan na ibinaba ng DOH upang maiwasan ang COVID 19.











