Nanatiling Exclusibo lamang para sa mga Quirinians ang mga tourist destination ng lalawigan.
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Tourism Officer Aurea Martinez ng lalawigan ng Quirino sinabi niya na bagamat kamakailan lang ng pasinayaan ang tourist destination sa Nagtipunan Quirino, nilinaw niya na ekslusibo lamang ito para sa mga residente ng Lalawigan.
Aniya, bagamat bukas na ang ilang mga tourist destinations ng Quirino ay hindi pa rin handa ang Tourism office maging ang Pamahalaang Panlalawigan na buksan ito para sa lahat ng turista.
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan pa nila ang nakatakdang re-opening ng kanilang turismo kaakibat ang ilang mga guidelines.
Katunayan aniya ay nakatakdang magsagawa ng validation ang Department Of Tourism o DOT sa ika dalawampu’t apat hanggang ika dalawampu’t anim ng Nobyembre para matiyak ang kahandaan ng kanilang tanggapan may kaugnayan sa pagpapatupad ng health Protocols.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Martinez sa kalukuyan ay umiiral parin sa lalawigan ang ilang Quarantine Protocols tulad ng pagkakaroon ng Negative RT PCR o Antigen result kasama ang vaccination card at Valid Identification cards maliban pa sa kasalukuyang minumin public health protocols na dati nang ipinapatupad ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kabilang sa paghahanda ng Tourism Office ay ang paglalatag ng health protocols sa malalaking tourism Sites na kabilang sa kanilang Tourism circuit ng Basket of Happiness para sa inaasahang pagbisita ng Events Organization Network na mangunguna sa validation kasabay ng dokumentasiyon sa mga tourist attractions.
Paglilinaw naman ni Provincial Tourism Officer MArtinez na bagamat matagal na nagsara ang kanilang tourist destination ay sinamantala ito ng Pamahalaang Panlalawigan upang mas mapaganda pa ang mga ito.
Halimbawa rito ay ang ilang development ng Quirino Water Sports complex kung saan dagdag atraksiyon ang kanilang Fish feeding Lagoon, Reflection pond at bamboo park gayundin sa bahagi ng Diffun Quirino partikular sa Ganano Ecopark kung saan matatagpuan ang Ganano Falls na isa rin sa major attraction ng naturang bayan.
Isa sa mga dahilan ng hindi parin pagbubukas ng turismo ng lalawigan para sa mga Outsiders o Domestic tourist ay ang pangambang muling pagdami ng kaso ng COVID 19 kung saan maging ang kanilang tanggapan ay sumasailalim sa Sampung araw na Quarantine matapos na magkapagtala na rin ng positibong kaso.











